Kinikilala ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang mahalagang kontribusyon ng mga organisasyong mag-aaral sa buhay ng akademikong komunidad, sa paglalawak ng kaalaman, at para sa kinabukasan ng bansa. Isang makabuluhang paraan ng pagkilala sa papel na ito ay sa pamamagitan ng Parangal sa Samahang Mag-aaral, na ginanap noong ika-18 ng Hunyo.

Ngayong taon, anim na organisasyon sa UP Diliman ang ginawaran ng parangal. Narito ang mga pinarangalan:

 

UP Katilingban sang Nakatundang Kabisayaan (UP KASANAG)
Babalaybay: Paghatag Tingog sa Binalaybay

 

Ang proyektong BABA-LAYBAY: Paghatag Tingog sa Binalaybay ay naglalayong mapalalim ang pagpapahalaga sa panitikang Visayan sa mga kabataan ng Western Visayas. Sa pamamagitan ng mga audiobooks at digital archiving, binibigyan nito ng boses ang makulay na koleksyon ng tulang Visayan, nagbahagi sa mga tagapakinig ng pag-unawa at pagbigkas ng mga tula, at hinihikayat ang mga kabataan na maglikha at magbahagi ng kanilang sariling panitikang Visayan. Ang presensya rin ng nasabing proyekto sa social media ay napapagkukuhanan ng mga kaalamang may kinalaman sa kahandaan sa sakuna, partikular na sa ika-6 na Rehiyon.

 

 

UP Society of Geodetic Majors (UP GEOP)
Project MAPAlayag

 

Ang MAPAlayag, ay pinangunahan ng University of the Philippines Society of Geodetic Engineering Majors kasama ang Department of Engineering at Open Mapping Hub Asia Pacific, ay naglalayong itaguyod ang kahalagahan ng larangan ng geodetic engineering sa iba’t ibang aspeto ng lipunan. Ang proyekto ay isang serye ng mga workshop na kinabibilangan ng MAPArami: Reducing the Unmapped, MAPAlawak: Mapping the Unmapped, at MAPAlipad: Unleashing the Potential of Drone and Open-Mapping. Sa bawat kaganapan, tinutukan ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa spatial data tulad ng community-engaged mapping at drones, pati na rin ang paggamit ng mga libre, bukas, at accessible na mapping software.

 

 

UP Junior Music Educators’ Guild
Saliw Bulilit: Isang Koleksyon ng Mga Makabagong Awiting Pambata

 

 

Ang Saliw Bulilit: Isang Koleksyon ng Mga Makabagong Awiting Pambata ay naglalayong lumikha ng mga kantang pambata na tumatalakay sa mga kasalukuyang isyu, partikular na ang Sustainable Development Goals (SDGs). Ang proyekto ay nahahati sa tatlong bahagi: una, pangangalap ng datos tungkol sa SDGs sa musika at mga aktibidad musikal ng mga batang may edad 0-6 mula sa mga stakeholder ng UP Child Development Center; pangalawa, pagsulat ng mga kanta at paglikha ng mga audio-visual na materyales; at pangatlo, paglikha ng isang illustrated educational zine na maaaring magamit para sa mga asynchronous na aktibidad. Ang pamagat ng proyekto ay nagsasalaysay ng kabataan mula sa iba’t ibang pananaw – mga bata, magulang, tagapag-alaga, guro, at mga magiging guro – na isinasalin sa musika, galaw, at sining biswal.

 

 

UP Portia Sorority
Portia Library 2023

 

Ang PORTIA LIBRARY ay may layunin na magtayo ng isang silid-aklatan para sa mga batang pasyente ng UP-PGH Pediatric Cancer Ward sa Manila. Ang proyektong ito ay naglalayong tulungan ang mga bata na patuloy na paunlarin ang kanilang bokabularyo at kasanayan sa pagbasa at pagsusulat. Sa pamamagitan ng silid-aklatan, layon din ng proyekto na suportahan ang pagsisikap ng kanilang benepisyaryo na lumikha ng isang kapaligiran na nagtataguyod ng kagalingan, hindi ng mga batang sumasailalim sa paggamot sa kanser.

 

 

UP Phi Delta Alpha Sorority
ALPAS

 

Ang ALPAS, ay pinangunahan ng UP Phi Delta Alpha Sorority. Sa loob ng limang taon, ang mga aktibidad ng ALPAS at ang mobile RH Clinic nito ay lumikha ng ligtas na espasyo sa reproductive healthcare ng UP Community sa pamamagitan ng pagbibigay ng libre, accessible, at maaasahang reproductive health services at impormasyon. Layunin ng ALPAS na magkaroon ng kultura ng proaktibong pangangasiwa ng kalusugan sa loob ng unibersidad, at mapaigting ang karapatan ng mga kababaihan laban tungo sa pagkakapantay-pantay at pag-unlad.

 

 

UP Katilingban sa mga Anak Mindanao
Panday Kalinaw 2023: A Mindanao Situationer

 

Ang Panday Kalinaw 2023, na pinangunahan ng UP Kalinaw, ay isang face-to-face educational discussion event na naglalayong palakasin ang kamalayan tungkol sa mga natatanging hamon na kinakaharap ng mga Lumad ng Mindanao sa konteksto ng adbokasiya para sa hustisyang pangklima. May temang “Locating the Lumad of Mindanao in the Struggle for Climate Justice,” layunin ng event na magbigay ng isang expert talk at interactive workshop sa mga miyembro ng organisasyon at sa mas malawak na komunidad ng akademya.