Mga Iskolar ng Bayan! In response to the implementation of remote teaching and learning in UP Diliman, the Office of the Vice Chancellor for Student Affairs presents Sanggawad, a four-part informational video series on student services and programs in the university.

Mental Health and Psychosocial Support Programs in UPD

Get to know the UPD Ugnayan ng Pahinungod, UPD Office of Counseling and Guidance, UPD Psychosocial Service, UPD Gender Office, and the UP Health Service!

“Matatapang, matatalino, walang takot kahit kanino.” — Iyan ang mantra nating mga Isko at Iska sa bawat laban na kinahaharap natin. But we can never tell kung kailan nga ba tayo dadalawin ng burnout dala ng paghahabol ng deadlines, ng heartbreak dahil sa ka-MU mong orgmate na takot pala sa commitment, at ng takot na baka hindi mo na mahanap ang lugar mo sa Unibersidad. 

Ngunit laging tandaan: Dito ay mayroon kang kasangga sa iyong UP journey at tumataguyod ng safe spaces para sa kagalingan ng bawat isa. Sa unang episode ng #SanggawadUPD, sama-sama nating alamin ang mga opisina sa UP Diliman na tutulungan tayong isabuhay ang self-care at kung paano bumuo ng healthy relationships!

Student Conduct and Ethics

Get to know the UPD Office for Student Ethics and the UP Office of Anti-Sexual Harassment!

“Ang pagiging isang Iskolar ng Bayan ay pagiging Iskolar ng Bayan para sa isang mabuting pagkatao at sa pagpapakatao.”  Honor and excellence – two words that define a true Iskolar ng Bayan but also the same words that dare us kung saan at papaano natin gagamitin ang academic freedom na meron tayo para sa ikakabuti ng sarili, ng komunidad, at ng sambayanan.

Bagama’t tayo ay community of scholars, autonomous, at free-willing people, laging tatandaan na meron pa ring mga rules and ethical codes na kailangan nating sundin para sa isang safe space and community.

Sa ikalawang episode ng #SanggawadUPD, sabay-sabay nating kilalanin ang mga opisinang namamahala at nagpapatakbo ng mga iba’t-ibang ethical codes ng Unibersidad.

Academic Support Programs and Services in UPD

Get to know the UPD Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs, its subunits, the UPD Office of the Vice Chancellor for Research and Development, and the Diliman Learning Resource Center!

Sinong isko ang hindi nakaranas pumila sa AS para kumuha ng readings na mas makapal pa sa buhok mong ilang araw nang di nakakatikim ng shampoo dahil ngarag sa pagtatapos ng papers? Sinong isko ang hindi nakaranas na maghagilap ng samplex para sa math, physics, at philo subjects para maisalba ang standing sa sem? Sino ang nag-share ng lucky doggo memes to land with the best profs in town? And at the end of the sem, we all ask the universe for the grades we deserve!

Sa ikatlong episode ng #SanggawadUPD, halika’t kilalanin ang Office of the Vice-Chancellor for Academic Affairs na namamahala sa curricular, instructional, extension, library, and other academic programs ng UP Diliman.

Financial Support and Grant Programs in UPD

Get to know the UPD Office of Scholarships and Grants, UPD Office of Student Housing, UPD University Food Service, UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts, and the Mobility for Vigor and Excellence – UP!

Hindi na bago sa ating mga isko’t iska na marinig ang linyang, “Wala pa akong tulog” at dahil ito sa pag-juggle natin ng mga tasks na kailangan nating matapos – acad and research work, org events, social life, at multiple part-time jobs.  Good thing, UP is a state-subsidized university and discrimination is not allowed. This means, mahirap man o mayaman, UP provides enabling conditions to thrive and achieve their goals.

Para sa huling episode ng #SanggawadUPD, makikilala natin ang iba’t-ibang opisina na nakatutok sa financial assistance para sa mga estudyante.

UP Diliman, through Sanggawad, aims to assist each and every Iskolar ng Bayan in exploring services and programs that they can avail throughout their journey in the country’s national university. At the end of the day, as Vice Chancellor for Academic Affair Ma. Theresa Payongayong said, “in these extraordinarily challenging times, the main goal of UP education is to produce critical, creative, and caring thinkers who will serve the people and the country with integrity and nationalism.”

The series is available for streaming on Facebook, Anchor, Spotify, and YouTube!

#SanggawadUPD