FAQs: Halalan UP Diliman 2021
Hello, mga Iskolar ng Bayan! Here are answers to some frequently-asked-questions for Halalan UP Diliman 2021!
- Where will I vote?
- Anywhere as long as you have access to your UP Mail and you have a working Internet connection.
- What if I am not yet paid for this semester, can I vote?
- Yes, but only if you are taking units for the current semester.
- I am a shiftee and already accepted in College A. Why is it that my name is not in the voters list?
- The list of voters is from the Office of University of Registrar. So if your name is not in the list, you need to check your CRS account and see if your records are correct. Hence, it is out of the system’s scope. However, if there are other proofs (records from the college admin, etc.) that you are enrolled under that college and if the CSEBs approve, you can vote manually.
- What’s the best time for a graduate student (e.g. works in the morning, has only evening classes) to vote?
- Anytime, since the online voting will be open from 6am of June 9 to 5pm of June 14.
- What if I already clicked a candidate and I decided to go for ‘Abstain’? Will the earlier chosen candidate be counted?
- No, it will not be counted. If you click the option for ‘Abstain’ all the other selected candidates in that position will not be considered and counted.
- What if I prefer to vote less than the maximum number of candidates. For example, I only like to vote 6 candidates in the USC Councilor position, is it okay?
- Leave it be. Any number of votes below the maximum is fine as long as you vote at least one candidate.
- I don’t have a/access to my UP Mail, what should I do?
- If you are certain that you are at least validated for the current semester, you may reach the University Computer Center to request for creation of/access to your UP Mail account.
- I don’t have a/access to my UP Mail, what should I do?
- If you are certain that you are at least validated for the current semester, you may reach the University Computer Center to request for creation of/access to your UP Mail account.
- I want to see the election results! When will it be available and where can I see it?
- The results will be available through different channels once the result is announced on June 14, 2021.
- Ano ang gagawin sa voter na wala sa masterlist?
- Maaari silang lumapit sa CSEB ng kanilang kolehiyo upang ipaalam na wala sila sa listahan. Nasa CSEB ang desisyon kung papayagan silang bumoto, pagkatapos ng kanilang imbestigasyon kung bakit wala ang estudyante sa listahan ng mga botante.
- Bakit maaga magsara ang ibang presinto?
- Ang pag-sasara ng presinto ay ayun sa desisyon ng CSEBs. Maaaring ibigay ang kahilingan para sa dagdag na oras ng pagboto sa CSEB bago isara ang partikular na presinto.
- Saan boboto ang non-major na walang college?
- Maaaring pumunta sa presintong ilalaan ng OSA para sa mga Non-major na wala pang kolehiyo.
- Meron bang special elections?
- Hindi awtomatiko ang pagkakaroon ng special elections, ang pormal petisyon para sa special elections ay isusumite sa University Student Electoral Board (USEB)
- Sino ang pwedeng iboto ng non-degree at non-major?
- USC lamang.
- Ano ang glitch ng Halalan, bakit late nagsimula ang election?
- Walang glitch ang Halalan. Baka maaaring malaman sa CSEB kung bakit late nagsimula ang election. Sama-sama naming ginagawan ng paraan upang maayos na mapatakbo ang eleksyon.
- Bakit 2nd year ang pwede kong iboto eh 3rd year na ako?
- Dahil sa batch ng 2nd yr. nakalista ang iyong pangalan, na inilagay sa halalan. Ang listahan ay nanggaling sa admin ng kolehiyo, baka maaaring tanungin at linawin sa inyong admin kung bakit 2nd yr pa lamang ang iyong standing.
- Ano ang absentee voting?
- Walang paksa ukol sa absentee voting sa ating Election Code. Kung mayroon mang katanungan ukol dito, maaari itong pormal na isulat sa USEB.
- Isa lang ang gusto kong iboto, yung friend ko lang pwede ba yun?
- Maaari itong gawin. Huwag din sanang kalimutang mag-abstain para sa ibang posisyon.
- Pwede ko bang ipaprint ang balota ko?
- Nasa- CSEBs ang desisyon kung papayagan ang botante na iprint ang kanyang balota. Subalit, mayroon ding posibleng panganib na katapat ang pagpprint ng balota dahil maaari itong malaman at makita ng ibang tao kung kaya mawawalan na ng anonymity ng kanyang boto.
- Bumoboto lang ako ng normal tapos biglang hindi na pwede, “logged in another session” daw ako, ano ang aking gagawin?
- Mayroong mga posibleng “network hiccups” at ito ay isang normal na pangyayari, tulad din minsan ng biglaang . Hindi na ito parte ng Halalan program. Maaari nating ireset ang password at log-in session ng apektadong botante.
- Saan ko makikita ang kumpletong listahan ng mga kumakandidato?
- Para sa mga kumakandidato sa USC, makikita itong nakapaskil sa OSA samantalang nakapaskil naman sa mga kolehiyo ang kanilang mga listahan ng kandidato.
- Bakit wala sa listahan ng kandidato si _________?
- Kung wala sa listahan ang isang kandidatong inaakala ninyong nangangampanya, ang desisyon ng pagtanggap sa kandidato ng USC ay mula sa USEB samantalang sa lokal na kandidato ay mula sa CSEBs naman. Maaari din namang personal na desisyon ng kandidato ang kanyang hindi pagtuloy.
- Bakit hindi kumpleto ang slate ng _________ sa balota, may problema ba sila?
- Maaaring hindi na malaman ng admin ang posibleng dahilan nito. Maaaring kausapin ang partido ukol dito.
- Saan nanggaling ang listahan ng botante?
- Ang listahan ng botante ay nanggaling sa OUR-CRS na kinumpirma ng bawat kolehiyo.
- Bakit hindi na-disqualify si __________?
- Ang desisyon ay nanggagaling sa USEB o CSEB. Maaaring pormal na sumulat sa kanila ukol sa katanungan.
- Sinu-sino ang volunteers, saan sila nanggaling?
- Ang mga boluntir ay nanggaling sa ibat-ibang kolehiyo at organisasyon. Sila ay dumaan sa serye ng pagsasanay at pagtatasa upang maging opisyal na boluntir para sa halalan.
Kung mayroon pang mga katanungan, bisitahin ang official channels ng Halalan UPD.
Makialam. Makibahagi. Bumoto.
#HalalanUPD2021