Sulat nina Riu Rodriguez at Anna Cruz;
Mga Litrato – kuha nina Jefferson Villacruz at Jerald DJ. Caranza ng UP DIO



“I have always been skeptical of the notion that things are solely determined by faith, but [when] I got into UP, I feel as if something [pushed] me to learn more, and a puzzle piece finally fit in,” ani Jeanelyn Gonzales, freshman student mula sa College of Home Economics.

Masiglang pinasinayaan ng UP Diliman Opisina ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangmag-aaral (OVCSA) ang pagbubukas ng Akademikong Taon 2023-2024 sa pamamagitan ng taunang Freshie Orientation Program (FOP), at University Welcome Assembly (UWA) na idinaos noong ika-8 at ika-18 ng Setyembre, 2023 sa University Theatre.


Alinsunod sa tema ngayong taon na #ReadyForItUPD, bilang paghahanda sa UP Journey ng mga bagong iskolar ng bayan, layon ng Freshie Orientation Program ang ipakilala ang UP community, ang mga polisiyang umiiral sa pamantasan, at ang mga opisinang nagbibigay-serbisyo sa larangan ng pang-akademiko, pangpinansyal, pangseguridad, at pangsikososyal na mga usapin. Nagpamahagi rin ang OVCSA ng UPD Freshie Survival Guide na naglalaman ng mga survival tips mula sa mga UP Alumni, listahan ng mga mahahalagang numero o university directory, at mga impormasyon tungkol sa learning essentials tulad ng CRS, UVLE, UP Mail perks, atbp.

Maaaring ma-access ang mga primer sa link na ito: bit.ly/UPDStudentServicesPrimer23

“Your stay in UP will be a bittersweet experience…but I would like you to enjoy your journey in UP just as much as your destination which is your graduation in the next four or five years,” pagbahahagi ni Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangmag-aaral Jerwin F. Agpaoa sa kanyang pampinid na pananalita.

Samantala, nasaksihan naman ng mga mag-aaral ang makukulay na pagtatanghal mula sa mga performing groups ng UP sa University Welcome Assembly. Ito ay nagsilbing patikim sa kultura ng pagpapahalaga at pagpapayaman ng sining at talento ng mga iskolar ng bayan.

Kabilang sa mga nagpakitang-gilas sa dalawang programa ay ang UP Repertory Company, UP Kontemporaryong Gamelan Pilipino (Kontra GaPi), UP Dancesport Society, UP Engineering Choir, UP TUGMA, UP Filipiniana Dance Group, UP Singing Ambassadors, UP Pep Squad, UP Concert Chorus, Conchords, UP Streetdance Club, at ang LEGATO Visual Performing Arts.



Nagbigay rin ng kanilang mga mensahe ang Tsanselor ng UP Diliman na si Edgardo Carlo L. Vistan, Presidente ng Unibersidad ng Pilipinas na si Angelo A. Jimenez, at Direktor ng UP Office of Admissions na si Francisco N. De Los Reyes. Kanilang ipinaalala at binigyang diin ang core values ng UP na “Honor and Excellence”, ang tunay na kahulugan ng “Tatak UP”, at ang layunin ng bawat Iskolar ng Bayan na paglingkuran ang sambayanan.

Ang Freshie Orientation Program at University Welcome Assembly 2023 ngayong taon ay muling idinaos face-to-face matapos ang tatlong taon na nasa online setting. Maaaring mapanood ang livestream sa link na ito: [UWA].